P2-M ng kompanya tangkang dugasin 2 CHINESE TIKLO

KALABOSO ang dalawang Chinese national matapos na tangkaing dugasin ang kwarta ng kompanya na higit dalawang milyong piso sa Pasig City.

Ayon sa ulat ni Pasig Chief of Police, Col. Roman Arugay kay EPD-Director P/BGen. Orlando Yebra Jr., kinilala ang mga nadakip na sina Zhengbin Liu, 25, at Li Chen Wang, 25, kapwa Chinese national at encoder ng kompanya, at mga residente sa Nicanor Garcia St., Brgy. Bel-Air, Makati City.

Habang Pormal na naghain ng reklamo si Alili Tan, Malaysian national at secretary ng Fuxing Incorporated, nakatira sa Orchard Towers sa lungsod ng Pasig.

Dakong alas-4:30 ng umaga noong Marso 3, inaresto ang mga suspek sa loob ng BPO Bldg., Sta. Lucia LRT Station, Marcos Highway sa Brgy. Dela Paz Pasig.

Nabatid sa reklamo ni Tan sa pulisya, tinangkang ilipat o dugasin ng mga suspek ang P2,100,000 na pera ng kumpanya kung saan nagtatrabaho ang dalawa.

Ayon kay Arugay, ang dalawang bagong empleyado ng Fuxing Incorporation bilang encoders, ay nagsabwatan umano na ilipat via online, ang petty cash ang nabanggit na milyones.

Nabuking din ni Tan na ang petty cash nito na P10,000 ay ninakaw rin umano nina Liu at Wang.  (ENOCK ECHAGUE)

146

Related posts

Leave a Comment