KULANG NA AYUDA NG DSWD SASAGUTIN NG NAVOTAS

NANGAKO ang pamahalaang lungsod ng Navotas na babalikatin ang P3,000

kakulangan ng Department of Social Welfare and Development para sa 4,820 kwalipikadong family-beneficiaries ng Bayanihan 1 Social Amelioration Program 2nd tranche.

Ito ay bahagi ng serye ng pandemic recovery programs na inilinya ng pamahalaang lungsod para sa Navoteños. Kaugnay nito, umabot sa 673 ang naging mga unang benepisyaryo ng P1,000 tulong ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa ilalim ng Navo-Ahon Ayuda program.

Kasamang nabiyayaan ang 38 naghahanap ng trabaho na nagtapos ng pag-aaral mula 2020 hanggang 2021; 339 displaced workers; 25 delivery riders; 65 jeepney drivers; anim na lokal na kooperatiba; 38 may-ari ng establisyementong isinara o hindi pinayagang mag-operate sa panahon ng pinaigting na quarantine restrictions; at 162 bagong negosyante.

“As COVID-19 cases dwindle, our economy also continues to open up. However, many Navoteños still reel from the effects of the pandemic. We want to give them as much help as we can until they are back on their feet and earning enough to provide for themselves and their families,” ani Mayor Toby Tiangco.

Ang pamamahagi ng Navo-Ahon Ayuda ay nakatakda hanggang Marso 23 para ligtas na mapaglingkuran ang 11,730 pang benepisyaryo, na binubuo ng 1,772 tricycle at pedicab drivers, at 9,958 rehistradong mangingisda. (ALAIN AJERO)

194

Related posts

Leave a Comment