MAGANDANG araw mga ka-Saksi at mga kabayani.
Umabot na sa 662,000 ang mga kaso ng COVID-19 sa Hong Kong, as of March 16, 2022, na may 4,847 nasawi, at may 14,454 new cases.
Dahil sa naka-aalarmang pagtaas ng bilang ng COVID cases, syempre apektado ang marami nating kababayan na nagsisilbing domestic workers sa HK.
Katunayan, nakatatanggap pa rin po ang inyong lingkod ng reklamo mula sa ilang overseas Filipinos sa Hong Kong na “homeless” at hindi pinapatuloy sa bahay ng kanilang amo dahil tinamaan ng COVID-19.
Hindi pa rin nawawala ang pag-discriminate ng mga employer sa ating mga kababayan na nagtitiis sa ilang government facilities sa nasabing teritoryo ng China.
Ayon nga sa CNN report, ang mga expat ay mas magaganda ang perks and privileges kumpara sa maliliit na domestic workers, mula sa Pilipinas at ibang bansa.
Halimbawa na lang ang kaso ng OFW na itago na lang sa pangalang Maria, na kasisimula pa lang magtrabaho sa kanyang amo nitong Pebrero pero nagpositibo siya sa COVID-19 virus.
Sinabi niya kaagad sa amo na mayroon siyang sintomas ng COVID at agad siyang pinapunta sa hospital pero pagdating niya sa pagamutan sa HK, ipinagtabuyan po siya ng medical staff at ikinatwiran na wala nang bakanteng kwarto at pinababalik sa bahay nito para mag-quarantine.
Kaya naman ang ating kabayaning si Maria ay napilitang umalis at naghanap ng lugar na matutuluyan dahil hindi na siya pinababalik ng amo niya sa bahay.
May mga anak ang kanyang amo at ayaw raw nilang mahawa ang mga ito sa virus.
“I said, ‘I don’t know where I can go. We don’t have a place,'” naiiyak na pahayag ni Maria sa CNN Business.
Walang nagawa si OFW Maria kundi bumalik sa hospital at nakuntento na lamang siyang matulog sa upuan sa emergency room, kasama ang isa pang kaibigan na positibo rin sa virus. Pero, pinagsabihan din sila ng nurse doon na lumayas at magtungo sa quarantine facility.
Dahil punuan ang mga facility, napilitan ang magkaibigan na mag-camp-out sa kalye ng HK at wala rin silang alam na pupuntahang bahay.
Mabuti na lang mga ka-Saksi, may nakita rin si Maria at kanyang kaibigan na isang shelter na pinatatakbo ng HELP for Domestic Workers.
Sina Maria at kaibigan nya ay ilan lang sa dose-dosenang migrant workers na inabandona ng kanilang employers at naging homeless sa Hong Kong after testing positive for the coronavirus, according to the charity.
Ang kwento ni Maria ay nagpalala pa sa great divide o hindi pagkakapantay-pantay ng mahirap at mayaman sa nasabing administrative region na dumaranas ng fifth wave ng COVID.
Ito’y dahilan sa ilang employers ng mga expat sa HK ay binibigyan ng mas VIP treatments, gaya ng pagtira sa mamahaling hotel quarantines, Kumpleto sila sa pasilidad, pagkain at iba pang basikong pangangailangan, ang mga mahihirap tulad ni Maria ay nangangapa kung saan kukuha ng makakain sa araw-araw na pagsailalim sa quarantine.
Nasaan na ang tulong ng Philippine government sa ating OFWs na nasa ganitong sitwasyon sa Hong Kong? Nawa’y makita nila si Maria at kaibigan nito na naghahangad din na mabigyan ng kalinga at malasakit ng ating pamahalaan. Kalampagin natin ang OWWA at Philippine Consulate sa HK para matulungan ang ating kabayaning si Maria at kaibigan nya. Saludo ako sa tapang at sigasig ng mga OFW. (MAY KARUGTONG)
88