Sangkot sa missing sabungeros 3 PULIS LAGUNA SINIBAK

LAGUNA – Sinibak sa pwesto ang tatlong mga tauhan ng Provincial Intelligence Unit ng Laguna PNP dahil sa umano’y pagkakasangkot sa nawawalang mga sabungero.

Tinukoy ng ni PRO CALABARZON Regional Director, Brig. Gen. Antonio Yarra ang tatlong sinibak na mga pulis na sina Patrolman Roy Navarete, Police Staff Sergeant Daryl Paghangaan at Police Master Sergeant Michael Claveria na pawang mga kasapi ng Laguna Provincial Intelligence Unit.

Itinuro ang nasabing mga pulis ng dalawang testigo sa pagdinig sa Senado hinggil sa pagkawala ni Ricardo “Jonjon” Lasco sa San Pablo City noong Agosto 30, 2021.

Iniutos naman ni Yarra kay Regional Personnel and Records Management Division chief, Col. Raquel Lingayo na pansamantalang italaga ang tatlong pulis sa kampo upang hindi magamit ang posisyon para maimpluwensyahan ang isinasagawang imbestigasyon

“I have already ordered the relief of the 3 personnel from their present assignments and had them transferred to Regional Headquarters as the investigation continues and we will make sure that all facts and information regarding this matter will be taken into consideration for the quick resolution of these cases and to give justice to the families of the missing victims,” ayon kay Yarra.

Kaugnay nito, kinumpirma ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo na sinibak na rin sa pwesto kaninang tanghali ang Provincial Director ng Laguna na si Col. Rogarth Campo.
Ayon kay Fajardo, ang pagtanggal sa pwesto kay Campo ay para bigyang daan ang imbestigasyon ng Criminal Investigation and Detection Group.
Si Campo ay inakusahan ni gambling lord Atong Ang nang magkaroon ng pagdinig sa Senado kaugnay ng mga nawawalang sabungero. (CYRILL QUILO)

229

Related posts

Leave a Comment