Bukod sa ligtas, maayos at maaasahang serbisyo ng kuryente, nakinabang rin ang mga customers ng Manila Electric Co. (Meralco) sa pagbaba ng singil sa kuryente nitong nakaraang sampung taon.
Nitong 2021, nasa P8.26 kada kilowatt-hour (kWh) ang average overall rate ng Meralco – mas mababa nang halos 10 porsyento kumpara sa P9.14 kada kWh noong 2011.
Pawang nagsibabaan ang iba’t-ibang bahagi ng bill ng kuryente kagaya ng bayad sa generation, transmission, distribution, at system loss, na kasama sa mga binabayaran ng mga konsyumer.
Ayon kay Larry S. Fernandez, Vice President at Head ng Utility Economics Department ng Meralco, mas mababa ang binayaran ng mga customers kumpara noong nakaraang sampung taon kahit na mayroong karagdagang singil sa iba pang bahagi ng power bills katulad ng universal charges at feed-in tariff allowance.
Gayundin, nananatiling mas mababa pa rin ang singil ng Meralco sa kuryente kumpara sa presyo ng produktong petrolyo na patuloy ang pagtaas bunsod ng kaguluhan sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Ang presyo ng diesel sa National Capital Region (NCR) ay tumaas na nang 37% simula noong Enero hanggang Marso, habang ang presyo naman ng gasolina ay umakyat nang 21%.
Samantala, ang average overall rate naman ng Meralco sa loob ng nakaraang tatlong buwan ay bumaba ng 1.3%.
Ang patuloy na pagtaas ng presyo ng panggatong katulad ng coal at langis sa pandaigdigang merkado ay inaasahang makakaapekto sa generation charge na pinakamalaking bahagi ng bill ng kuryente na binabayaran ng mga consumers.
Tuluy-tuloy ang mga isinasagawa ng Meralco upang maibsan ang epekto nito sa overall rates na gumagalaw buwan-buwan.
Kumukuha ng suplay ng kuryente ang Meralco mula sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM), mga Power Supply Agreements (PSAs) at mga power plants na gumagamit ng coal at natural gas.
Para hindi na masyadong kumuha ng suplay mula sa WESM na apektado ng supply-demand conditions, kinontrata ng Meralco ang Power Sector Assets and Liabilities Management Corp. (PSALM) para sa karagdagang 90-megawatt (MW) na suplay ng kuryente. Nagsagawa rin ang power distributor ng bidding para sa karagdagang 170 MW ng kuryente sa pinakamababang halaga.
Habang patuloy naman ang pagtaas ng presyo ng coal sa pandaigdigang merkado na makakaapekto sa generation charge ng mga coal plants, patuloy na nakikipagusap ang Meralco sa mga suppliers nito upang ipagpaliban muna ang paniningil ng ibang bahagi ng kanilang generation costs.
PAGPAPATULOY NG MAAYOS AT MAASAHANG SERBISYO
Bukod sa mababang presyo ng kuryente noong nakaraang taon, nasaksihan din ang patuloy na pamumuhunan ng Meralco sa mga pasilidad nito tungo sa pagpapahusay ng kanilang serbisyo.
Nagpakita ng kahusayan sa serbisyo ang Meralco na makikita sa improvement ng system average interruption frequency index (SAIFI) — na sumusukat sa dalas ng power interruption—na mas nasa 1.409 times na lamang nitong 2021 kumpara sa 1.501 times noong 2020.
Samantala, ang system average interruption duration index (SAIDI) naman na siyang sumusukat sa average na tagal ng power interruption sa kada customer ay nag-improve sa 138.774 minuto na lamang nitong 2021 mula sa 163.003 minuto noong 2020.
PAGPAPATATAG SA DISTRIBUTION NETWORK
Noong nakaraang taon, namuhunan ang Meralco ng P16.4 bilyon para sa pagpapaigting ng distribution network nito, pati na rin sa pagsuporta sa Build, Build, Build (BBB) ng gobyerno pati na rin ang at Meralco Electrification Program (MEP).
Ilan sa mga proyektong tagumpay nitong nagawa ay ang pagsasaayos ng linya ng kuryente, pagpapalawak at pagkabit ng mga transformers, at pag-upgrade ng mga substation na naglalayong palakihin ang kapasidad upang masiguro ang maasahang serbisyo ng kuryente sa kanilang franchise area.
Napakahalaga rin ng pagsuporta sa pagpapaunlad ng imprastraktura ng gobyerno dahil makakatulong ito sa muling pagbangon ng ating ekonomiya.
Kaya naman tuluy-tuloy sa suporta ang Meralco upang masiguro na matatapos sa nakatakdang panahon ang bawat proyekto sa ilalim ng BBB Program.
Noong 2021, tagumpay na nailipat ng Meralco ang nasa 1,483 na poste para sa BBB Program, samantalang 2,014 na poste naman ang nai-relocate upang suportahan ang programa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pagpapalawak ng mga kalsada.
MGA INISYATIBO PARA SA MGA CUSTOMERS
Kasama sa pangako ng Meralco na magbigay ng tuluy-tuloy at maasahang serbisyo ng kuryente ang pagpapamalas ng malasakit sa mga customers.
Kahit na lumuwag na ang mga quarantine restrictions sa bansa at bumabalik na sa normal ang operasyon ng mga apektadong industriya, inaalala pa rin ng Meralco ang mga pangangailangan ng customers nito.
Noong 2021, pinahaba ng Meralco ang suspension ng disconnection activities sa lugar na inilagay sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ), Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) at granular lockdowns.
Patuloy din ang Meralco sa pagtulong sa mga customers nitong mga nahihirapang bayaran ang kanilang mga bills sa pamamagitan pago-offer ng installment payment agreements.
Upang di na kailanganing lumabas pa ng kanilang mga bahay, ang mga customers ng Meralco ay nakakapagbayad na ng kanilang bills sa pamamagitan ng online channels gaya ng Meralco Online at ang Meralco App.
Ipagpapatuloy ng Meralco ang pag-invest sa mga innovations nito na customer-centric upang makasabay at matugunan ang pagtaas ng power demand habang patuloy pa ring nakakapaghatid ng ligtas, maasahan at mataas na kalidad na serbisyo ng kuryente para sa 7.4 milyong customers nito.
Kamakailan ay nag-sumite ng aplikasyon ang Meralco para sa distribution rate reset ng 5th Regulatory Period na sumasakop sa taong 2022 hanggang 2026, alinsunod sa mga tuntunin ng Energy Regulatory Commission (ERC).
Makakatulong ang aplikasyong ito na makapagsagawa pa ang Meralco ng mas maraming proyekto at programa na makakatulong na patibayin pa lalo ang distribution network nito, isulong ang modernisasyon ng grid, at lalong pabutihin ang kanilang operational efficiency at ang paghahatid serbisyo para sa mga customers. ###
256