Kandidatong si Dave Almarinez at asawang si Ara Mina nangangampanya ng Mahal na Araw.

San Pedro, Laguna- Namataan ng mga San Pedro netizens ang malinaw na pangangampanya ng isang kandidato bilang pagka kongresista ng unang distrito ng Laguna na si Dave Almarinez, kasama ang kanyang kabiyak na si Ara Mina ng Huwebes Santo, April 14, 2017.

Sa mga video at mga larawan na nakunan ng mga netizens, makikitang lantaran ang pamimigay ng mag asawang Almarinez ng mga bottled water na nag uudyok sa mga deboto at nagbisita iglesia sa Simbahan ng Santo Sepolcro sa Barangay Landayan para iboto si Almarinez bilang Kongresista.

Makikita din sa larawan na pinaghandaan nina Almarinez ang okasyon ng Huwebes Santo para samantalahin ang pag dagsa ng mga naglalakabay sa mga banal na lugar tulad ng Simbahan ng Santo Sepolcro na tinuturing na bersyon ng Basilica ng Quiapo sa Maynila. Makikitang nakalinya ang mga pinailawang mga tolda na nagsilbing tanggapan nina Almarinez malapit sa Simbahan.

Matatandaan na pinalahanan ni Comelec Commissioner George Garcia noong Miyerkoles lamang ang pagbabawal sa ano mang uri ng pangangampanyang politikal ang mga araw ng Huwebes at Biyernes na nakasaad sa Section 3 Comelec Resolution No. 10730. “Baka naman po ay pupuwede, pakiusap naman natin at ‘yan naman po ay isang patakaran na nasa ating mga umiiral na batas at resolusyon ng Commission on Elections. Bukas po ay bawal mangampanya at saka po sa Biyernes. Dadalawang araw na nga lang ‘yung sinasabi eh, mangangampanya pa,” sabi pa ni Garcia.

Nagbabala pa si Garcia na pwedeng idiskwalipika at makulong ang sino mang lalabag sa batas na ito na isang election offense na nakasaad sa Section 264 ng Omnibus Election Code. “Naku, tandaan ninyo po, kaya namin kayong i-disqualify at kaya rin namin kayong file-an ng election offense (remember that we can disqualify you and we can also file you an election offense),” giit ni Garcia.

Ang pangangampanya sa mahal na araw ay isang pang aabuso sa pagiging relihiyoso ng mga Pilipino bilang isang bansang Katoliko. Madami ang naglalakbay at nagbibisa sa mga banal na simabahan. “Ibigay na natin ang pagnilay-nilay sa mga Pilipino. Baka pupwedeng pahingahin naman natin. Tutal naman, pagkatapos nitong pagninilay-nilay natin at pagdarasal, ay pwede na kayong mangampanya muli. Ang importante ay ma-realize natin na tayo ay isang Christian country and therefore may isang pinaniniwalaang Panginoong Diyos,” sa pagtatapos ni Commissioner Garcia.

209

Related posts

Leave a Comment