SA unang pagkakataon ay magagamit ng tropa ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang kanilang karapatang bumoto sa gaganaping May 9, 2022 National and Local polls.
Gayunman, naglatag ng mga kondisyon para sa kanilang pagboto na kinabibilangan ng:
– Susunod sila sa ceasefire protocols ayon sa operational guidelines ng Agreement on General Cessation of Hostilities of 1997
– Hindi gagawa ng anumang karahasan o pang-uudyok na posibleng maghudyat ng gulo sa MILF, sibilyan o kaya ng government security forces
– Mananatiling neutral sa lahat ng oras
“For the first time, our MILF brothers will be exercising their political right to vote. We have also to safeguard the area and remind them that in voting, wearing of MILF uniform and bringing of firearms are strictly prohibited under the protocols agreed on the ground,” pahayag ni Brig. Gen. Antonio Nafarrete, chairman ng government panel sa Coordinating Committees on the Cessation of Hostilities (CCCH).
Ayon CCCH Bgen Nafarrete, lumagda ang gobyerno, mga opisyal ng MILF maging ang International Monitoring Team (IMT) at ang Commission on Elections sa panuntunan para sa ceasefire related functions sa halalan.
Ayon kay MILF CCCH Chairman Butch Malang, ang aprubadong guidelines ay naipadala na sa mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Armed Forces (BIAF) para sa istriktong pagsunod nito.
Aminado si Malang na excited sila na makaboto sa May 9 elections dahil ito ang unang pagkakataon nilang magamit ang karapatang ihalal ang lider na gusto nila. (JESSE KABEL)
333