BIGLANG RESHUFFLE NG 9 POLICE OFFICERS PINAGTAKHAN

Nagtaka ang isang incumbent mayor ng Cavite City sa biglang reshuffle ng pulisya sa kanilang nasasakupan, isang araw bago ang May 9, 2022 national at local elections.

Sa panayam ng SAKSINGAYON kay Mayor Totie Paredes, inamin nito na clueless siya sa biglang pagbabago ng buong puwersa ng Cavite City Police na kinabibilangan ng siyam na police officers.

Gayunman, wala naman aniya siyang apela na ibalik ang dating nakatalaga mga pulis habang nilinaw na hindi niya kinukuwestiyon ang hakbang ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP).

“Nagtataka lamang po ako dahil sa Cavite City lamang ang biglang pagbabago ng mga pulis, tahimik naman sa aking nasasakupan, natural lang po na magtaka ako bilang ama ng lungsod at lalo na’t ang anak ko na si Apple Paredes ang tumatakbo para maging alkalde,” pahayag ni Paredes.

Magugunitang sinabi ni outgoing PNP Chief, Gen. Dionardo Carlos na bahagi ng preparasyon sa eleksyon ay i-reshuffle ang kanilang mga tauhan sa iba’t ibang lugar lalo na’t may mga kamag-anak na kandidato sa iisang lugar.

Samantala, sinabi ni Paredes na sakaling manalo ang anak, ito ang kauna-unahang babaeng alkalde sa Cavite City.

“Subukan naman natin ang galing at alagang kababaihan, itutuloy din ng aking anak ang aking public and social services sa mga taga-lungsod,” dagdag pa ni Paredes.

Batay naman sa Facebook account ni Mayoral candidate Apple Paredes, kahapon, May 6, 2022, ang kanilang Grand Rally kaya humingi ng paumanhin sa matinding trapiko sa Manila -Blvd Road to P. Burgos Avenue.

Ang Grand Rally ay isasagawa sa Regada Avenue ng nasabing lugar.

Ang pagtakbo ng nakababatang Paredes ay sa ilalim ng National Unity Party (NUP).

 

135

Related posts

Leave a Comment