PROKLAMASYON NG SENADOR, PARTY-LISTS SA MAY 15-16

DADAAN muna sa joint session ng mababang kapulungan ng Kongreso bilang isang body ang gagawing proklamasyon para sa mananalong bagong Pangulo at Pangalawang-Pangulo ng bansa.

Sa Laging Handa Public Briefing, tinuran ni Comelec Commissioner George Garcia na itinatakda ng batas na Kongreso ang magsasagawa ng canvass result para sa una at ikalawang pinakamataas na posisyon.

Ani Garcia, bago pa mag-convene ang dalawang Kapulungan ay maaaring magkaroon na ng linaw kung sino ang panalo sa pagka-Pangulo at VP.

Ito’y bunsod na rin ng transparency server ng Comelec na siyang nagbabato ng unofficial at partial result sa citizen arms gaya ng NAMFREL, PPCRV at sa media.

Samantala, posibleng abutin pa ng May 15 hanggang 16 bago makapagproklama ng mga mananalong senador at party-list habang ang mga nasa lokal ay maaari nang makapagproklama sa gabi ng May 9 at kung may delay man ay umaga na ng May 10. (CHRISTIAN DALE)

179

Related posts

Leave a Comment