CHINA UMALMA SA AKUSASYON KAY BBM

UMALMA ang China sa malisyosong akusasyon na si presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay isang “Pro-China”.

Mali umano na bansagan ang incoming president na maka-China na tila ang ipinahihiwatig ay masamang makipagkaibigan sa bansang tulad nito ang Pilipinas.

“Biased or Ignorant Western media? Label BBM as “Pro-China”, just like what they did to President Duterte,” ayon sa isang social media post na ibinahagi ng Chinese embassy sa Pilipinas.

Kasabay nito ang paglalabas ng talaan ng mga aktuwal na pakinabang umano ng Pilipinas na nakuha mula sa China sa loob ng anim na taong administrasyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Milyon-milyon umanong Pilipino ang nailigtas dahil sa delivery ng binili at donasyon ng China na nasa 55-M COVID-19 vaccines na salungat sa US na ipinagbawal ang paghahatid ng bakuna sa loob ng ilang buwan.

Mayroon din umanong mahigit 100,000 trabaho silang naibigay bukod sa libo-libong manggagawa na sinanay sa mga kumpanya ng China.

Samantala, nagpahatid ng pagbati ang China sa maayos, malinis at mapayapang halalan sa bansa na magluluklok kina Marcos Jr. at Sara Duterte-Carpio bilang mga bagong lider. Nanawagan din sila ng pagkakaisa para sa mga Pilipino. (JESSE KABEL)

119

Related posts

Leave a Comment