GAB SA 37th IBF CONVENTION

NAKIISA ang Games and Amusements Board (GAB) sa 37th International Boxing ­Federation (IBF) Convention sa Long Beach, California.

Kinikilala ng International Boxing Hall of Fame, ang IBF ay isa sa mga pinakamalaking organisasyon na nagpopromote ng mga dekalidad na boxing bouts sa buong mundo.

Ginanap nitong Mayo 24-28, ang limang araw na convention ay dinaluhan ng sports officials mula sa iba’t ibang bansa kabilang sina GAB Chairman Baham Mitra at bagong hirang na GAB Commissioner Raul Lagrisola.

“We would want to leave a parting legacy that will help the professional sports industry in the long run by creating strong ­linkages with our international partners like IBF,” pahayag ni Mitra.

Mandato ng GAB na i-regulate ang professional sports at athletes, kasama na rito ang boxing events sa Pilipinas at i-monitor maging ang international fights ng mga Pinoy boxer.

“It is important that we participate in such events in order to maintain good relationships within the boxing community that will benefit and provide more opportunities for our bo-xers,” sabi naman ni Lagrisola. (DI)

181

Related posts

Leave a Comment