MANLAPAS AT SANCHEZ BUMIDA SA FESSAP

NAKAMIT nina Joshua Manlapas ng Makati-NETTO at Jam Sanchez ng Wadjad Tennis Tavolo ang ­minimithing slots para sa Philippine Team na sasabak sa Jinjang World School Games, makaraang manaig sa boys and girls singles event sa katatapos na 2022 FESSAP National Interscholastic ­Table Tennis Championship sa Novaliches, Quezon City.

Tinalo ni Manlapas si Morison Torres ng Paco Citizen Academy Foundation, 2-1, sa high school boys singles finals, habang dinaig ng 15-anyos na si Sanchez si Shyrein Mae Redoquerio ng Adamson University, 2-0, sa girls finals ng event.

Ang Interscholastic Championship ang nagsilbing qualifier para sa PH table tennis team sa World School Games, na gaganapin sa Nobyembre sa China.

Kabilang din sina Torres at Redoquerio sa five-man ­national squad, kasama ang 14-anyos protegee na si Kheith Rhynne Cruz, sumabak sa 31st Southeast Asian Games at kinikilala ngayong No.1 women table netter sa bansa.

Sa high school team event, nakipagtulungan si Cruz kay Jelaine Monteclaro ng Paco Citizen Academy Foundation laban sa La Salle University-Star Power nina MJ Yamson, Zachi Chua at Janna Paculba.

Nakumpleto ng Paco nina Brent Chavez at Torres ang sweep sa high school class nang pagbidahan ang boys team laban kina Dominique Henze Lucero at Jebb Jerwin Datahan ng Wadjad Tennis Tavolo. Runner-up ang Makati-Netto (Jan Gabriel Presbitero, Matt Andrew Ramos, Ray ­Joshua at Lawrence Manlapaz) at One Pampanga/Bulacan (Sean Irvin Garcia, Reyan Yvess Reg).

Sa college men’s team event, tinalo ng TATAND-Joola nina Alexis Bolante, Rill Ramiro, at Francis Bendebel ang Baycliff nina Pong Mercado, at Ruiz Arc Marcelino.

Ang Perpetual-Patto nina Nationals Keziah Bien Ablaza, Jannah Romero at Rein Teodoro ay nanaig naman sa women’s laban sa Wadjad Tennis Tavolo nina Sherlyn Love Gabisay at Emery Faith Digamon.

Umangat sina dating national player at coach Julius Esposa kasama sina George Quijano, Gregorio Pascua at Triple Charles-Army kontra sa ACE nina Philip Uy, Peter Lam, Michael Dalumpines at Henry Ding sa Executive Veterans Team championship.

Ang All-Star Legend-Army (Aileen Armando, Susan Tayag, Anta Abas, Sendrina Balatbat) at Dobinson (Richmond Ong, Richard Koa, Rodel Valle at Jayson Jaquilmo) ang runners-up.

126

Related posts

Leave a Comment