KARAHASAN WALANG PUWANG SA LEARNING INSTITUTIONS – SENATORS

NAKIISA sina Senador JV Ejercito at Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. sa mga kumokondena sa insidente ng pamamaril sa loob ng Ateneo de Manila University sa Quezon City.

Nasawi sa insidente si dating Lamitan City Mayor Rose Furigay, ang kanyang aide na si Victor Capistrano, at university security guard na si Jeneven Bandiola.

Iginiit ni Ejercito na lubhang nakadidismaya na naganap ang krimen sa loob mismo ng isang learning institution at itinaon sa araw ng graduation.

Pinatitiyak ng senador na may mananagot sa pangyayari kasabay ng panawagan sa mga awtoridad na tukuyin ang lahat ng sangkot mula sa pagpaplano hanggang sa mismong implementasyon ng krimen.

“Without a doubt, we must not let this cowardly act, which resulted in Furigay’s tragic death and wounded her daughter—who was one of this year’s graduates at the Ateneo Law School—go unpunished and pave the way for similar acts of violence,” saad ni Ejercito.

“I call on our law enforcers to swiftly determine all persons involved in the planning and execution of this plot and ensure that justice will be served at the soonest possible time,” dagdag nito.
Sinabi naman ni Revilla na walang puwang sa komunidad ang mga ganitong uri ng karahasan.

Kaugnay nito, kinondena rin ng Commission on Higher Education (CHED) ang pamamaril.

Sa isang pahayag, sinabi ng CHED na maaari itong magdulot ng trauma sa mga biktima at mga nakasaksi sa insidente.

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang ahensya sa pamilya ng mga nasawi at sa buong Ateneo community.

Ipinauubaya rin ng CHED sa mga otoridad ang pagkamit ng hustisya sa naturang insidente. (DANG SAMSON-GARCIA/ENOCK ECHAGUE)

123

Related posts

Leave a Comment