UAAP PLAYERS ISASABAK SA AVC CUP FOR WOMEN

KAKATAWANIN ng mga manlalaro mula sa University Athletic ­Association of the Philippines (UAAP) ang Philippine team na sasabak sa Asian ­Volleyball Confederation (AVC) Cup for Women.

Siyam na top Asian teams plus Pilipinas bilang 10th squad at host, ang lalahok sa August 21-29 event sa PhilSports Arena sa Pasig City.

Dapat sana’y ginanap noong 2020 ang seventh edition ng tournament ngunit nakansela sanhi ng coronavirus pandemic.

Hindi pa pinangalanan ang mga manlalarong tatapikin para sa koponan, pero ayon kay Philippine National Volleyball ­Federation (PNVF) president Ramon ‘Tats’ Suzara, magbibigay ng sapat na exposure sa mga batang manlalaro ng Pilipinas ang nabanggit na torneo.

“This is a strong tournament and our young players, who we vision as the future of Philippine volleyball, will get the needed exposure against the continent’s best teams,” aniya.

Matagumpay ang ­hosting ng PNVF sa Men and Women leg ng Volleyball Nations League (VNL) nitong nakaraang buwan sa Araneta Coliseum, Quezon City.

Kabilang ang Pilipinas sa Pool A, kasama ang reigning champion China, South Korea, Iran at Vietnam. Habang Pool B ang 2018 runner-up Japan, Thailand, Kazakhstan, Chinese-Taipei at Australia.

“Just like the VNL, Filipino volleyball fans will again be treated to world-class volleyball action considering that world-ranked teams China, Japan, Iran, South Korea and Thailand are playing,” dagdag ni Suzara.

Preliminary games ay nakatakda sa Agosto 21-25, kung kailan haharapin ng Pilipinas ang Vietnam (Agosto 21), China (Agosto 23), Iran sa Agosto 24 at South Korea sa Agosto 25 at mapapanood sa television prime time 7:00 pm.

Ang top five teams sa bawat pool ay aabante sa knockout quarterfinals sa Agosto 27, kasunod ang semis sa Agosto 28 at finals sa Agosto 29. (VT ROMANO)

104

Related posts

Leave a Comment