US ‘wag tularan ONE-CHINA POLICY DAPAT SUNDIN NG PINAS

PINAALALAHANAN ni Chinese Ambassador Huang Xilian ang Pilipinas na sundin ang One-China policy sa gitna nang pagbisita ni US House Speaker Nancy Pelosi sa Taiwan.

“The One-China principle is an international consensus and universally recognized basic norm governing international relations. It is also the political foundation of China-Philippines relations. It is our hope that the Philippine side will strictly abide by the One-China principle and handle all Taiwan-related issues with prudence to ensure sound and steady development of China-Philippines relations,” ayon kay Huang.

Si Pelosi, namuno sa six-member US congressional delegation, ay nasa Asian swing ngayong linggo.

Sa ulat, mula sa Malaysia ay magkakaroon si Pelosi ng brief stopover sa Clark, Pampanga—dating US military base—sa kanyang pagpunta sa Taiwan.

Gayunman, sinabi ni Department of Foreign Affairs spokesperson Teresita Daza na wala silang natanggap na request mula sa US government o sa kanilang embahada sa Maynila “.. for Pelosi to transit and/or visit the Philippines as part of her current swing of visits to the region.”

Sa gitna ng umiinit na tensyon sa pagitan ng US at China dahil sa posibleng Taiwan trip ni Pelosi, sinabi ni Daza na masusing mino-monitor ng Pilipinas ang mga kaganapan sa bagay na ito.

Nanawagan din si Daza sa US at China na iwasan ang pagtaas ng tensyon.

“We trust that China and the United States will be responsible actors in the region,” dagdag na pahayag nito.

Bilang reaksyon sa pagbisita ni Pelosi sa Taiwan, magkakasa umano ang militar ng China ng “targeted military operations”.

“The Chinese People’s Liberation Army is on high alert and will launch a series of targeted military operations to counter this, resolutely defend national sovereignty and territorial integrity, and resolutely thwart external interference and ‘Taiwan independence’ separatist attempts,” pahayag ni Defense ministry spokesman Wu Qian.

Nag-anunsyo rin ang Eastern Theater Command ng People’s Liberation Army na magsasagawa sila ng joint military operations malapit sa Taiwan simula Martes ng gabi.

Magkakaroon din anila ng test-launch ng conventional missiles sa Silangang bahagi ng karagatan ng Taiwan. (CHRISTIAN DALE)

262

Related posts

Leave a Comment