2018 BAR EXAMS, GENERALLY PEACEFUL—MPD

(Ni SAMANTHA MENDOZA)

Pangkalahatang mapayapa sa ang idinaos na apat na linggo 2018 Bar Examination sa University of Sto. Tomas (UST),Sampaloc, Maynila.

Ito ang Inihayag ni  Manila Police District – Police Station (PS-4) spokesperson P/Senior Inspector Philipp Ines, kahapon sa huling Linggo ng naturang pagsusulit.

“Ngayon masasabi natin na peaceful ngayong umaga. Yung ating first, second and third Sunday ay naging okay din naman, naging generally peaceful,” ayon kay  Ines.

Nalaman na nagpatupad naman ng mas mahigpit na seguridad angpulisya sa huling Linggo  ng pagsusulit partikular na dahil sa dumoble  ang bilang ng mga taong nagtungo doon.

Nagdagdag pa rin ang MPD ng may 100 pulis  para magbigay ng seguridad sa lugar.

Naglagay na rin ng barikada  ang mga pulis sa bangketa ng España Boulevard dahil sa dami ng mga tagasuporta ng mga bar examinees na nagtungo sa UST, na tinatayang aabot sa mahigit 2,000.

Ang mga tauhan naman ng bomb squad at K-9 units ay nag-iikot rin sa paligid ng unibersidad upang tiyakin ang seguridad sa huling araw ng bar exams kahapon.

Umabot sa 8,701 examinees ang kumuha ng pagsusulit ngayong taon, na ayon sa Supreme Court , ay pinakamaraming bilang ng kumuha ng bar exams sa mga nakalipas na mga taon.

Kaugnay nito, si dating Vice President Jejomar Binay ay hindi rin naman nakalusot sa mahigpit na seguridad ng MPD sa UST.

Nabatid na alas 3 ng hapon ay nagkaroon naman ng matinding pagsisikip ng daloy ng trapiko sa paligid ng unibersidad matapos na isara sa daloy ng trapiko ang bahagi ng España Boulevard mula Lacson Avenue hanggang P. Noval Street, para i-accommodate ang mga bar takers na matagumpay na nakatapos ng pagsusulit, gayundin ang mga nag-aabang sa kanilang well-wishers.

Maging ang mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ay nasa labas din ng UST at nagbigay din ng suporta sa mga tauhan nilang kumuha ng pagsusulit.

363

Related posts

Leave a Comment