KUMBINSIDO ang pamunuan Bureau of Customs (BOC) na ganap na ganap nang matutuldukan ang katiwalian sa kawanihan sa sandaling matapos ang digital transformation sa mga operasyon ng ahensya sa unang sangkapat ng susunod na taon.
Pagtitiyak ni Acting Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz, walang nakikitang pagkabalam ang kawanihan sa isinasagawang reporma sa umiiral na sistema sa pangangasiwa ng kalakalang dumaraan sa 17 BOC district collection offices sa mga pantalan at paliparan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Batay sa pinakahuling ulat na isinumite sa tanggapan ni Ruiz, lumalabas na 155 sa 177 proseso ang ganap nang “automated” na aniya’y hudyat ng napipintong pagsipa ng kalakalan at mas pinabuting serbisyo, base sa mandato ng nasabing ahensya.
“The remaining customs processes that we need to digitize, we need to address some court orders. Hopefully, we can resolve this if not this last quarter, maybe by the first quarter of next year,” ani Ruiz sa isang panayam.
“I have to be fast on this because the President gave very specific instructions to go full digitalization and streamline customs processes,” dagdag pa niya.
Una nang tiniyak ng World Bank ang suporta sa isinasagawang modernisasyon ng BOC gamit ang $88.28 milyong pondo sa ilalim ng Philippine Customs Modernization Program.
“What I’m targeting is that hopefully by the first quarter, we could start to implement [the remaining nine percent]. It’s not a one-time implementation, this will be in tranches. This is funded by the World Bank, we are not handling any funds, but what we do is we identify those systems and the World Bank will be the one to look for the suppliers of the systems,” ani Ruiz kasabay ng pangakong hindi titigil ang BOC hanggang sa maabot ang target na 100% full automation” ng kawanihan.
Para kay Ruiz, malaking bentahe ang “full automation” ng BOC sa hangaring paunlarin ang kalakalan at tuldukan ang katiwalian – bagay na inayunan naman ni Finance Sec. Benjamin Diokno.
Base sa mga nakalipas na kalatas ng kawanihan, umabot na sa 3,855 BOC personnel ang idinestino sa ibang tanggapan at distrito, habang nasa 1,407 naman ang inisyuhan ng “show-cause order,” bukod pa sa 183 administrative cases na inihain sa Office of the Ombudsman.
Sa naturang bilang, 192 empleyado ang tinanggalan ng pwesto habang 24 naman ang tuluyang sinibak sa serbisyo.
