CLIMATE CHANGE RAMDAM NA RAMDAM NA

DPA Ni BERNARD TAGUINOD

RAMDAM na ramdam na natin dito sa Pinas ang epekto ng climate change o pagbabago ng klima dahil sa kapabayaan ng sangkatauhan at kagahaman ng industrialized countries.

Taon-taon ay nagdurusa ang mga Filipino dahil sa halos 20 bagyo na dumarating sa ­ating bansa at habang tumatagal ay palakas nang palakas at ang ­matindi pa, hindi lamang malakas na hangin ang dala kundi ­matinding pagbaha.

Ang lagi nating pinaghahandaan noon ay ang malakas na hangin pero mukhang hindi pa tayo handa sa malalakas na ulan na nagiging dahilan ng matinding pagbaha lalo na sa mga lugar na hindi mo akalaing babahain tulad ng maraming lugar sa Mindanao.

Sa report ng Institute for Economics and Peace noong 2019, ang Pilipinas ang nangungunang bansa na nanganganib sa climate change kasunod ang Japan, Bangladesh, Myanmar, China, Indonesia, India, Vietnam, at Pakistan.

Sa mga bansang ito, ang Japan at China lang ang ­industrialized country at ang mga kasamahan nating bansa na nanganganib sa climate change ay mga third world country pa.

Ilan sa mga dahilan kung ­bakit lumalala ang kalagayan ng klima ay dahil sa matinding paggamit ng fossil fuels kaya tumataas ang ibinubugang carbon dioxide na sumisira sa ozone layer.

Ang top countries na matin­ding-matinding magbuga ng CO2 ay ang China, United States (US), India, Russia, Japan, Germany at Iran dahil ang mga bansang ito ay matindi ang paggamit ng fossil fuel dahil sa kanilang industriyalisasyon.

Hindi tayo kasama sa top countries na matinding magbuga ng CO2 pero tayo ang unang nagdurusa subalit walang nag-­iingay sa atin na bigyan ng kompensasyon ng mga bansang ito.

Kung baga, bahala tayo sa buhay natin basta sila patuloy ang kanilang pag-unlad at paninira sa kalikasan. Dehadong-dehado tayo sa industrialized countries na ito na nagiging dahilan kung bakit hindi tayo umuunlad.

Imbes na makaipon kasi, bil­yong-bilyong piso ang nawawala sa bansa at napipinsala ng mga bagyo kapag nagkakaroon ng ­kalamidad, ang mga imprastraktura at agrikultura.

Sa report ng Department of Finance (DOF) noong nakaraang taon, umabot sa P506.1 billion ang nawala sa ating bansa mula 2010 hanggang 2020 dahil sa climate change.

Hindi pa kasama dyan ang mga nawala mula 2021 at ngayong taon dahil sa matitinding pagbabaha dulot ng mga nagdaang bagyo tulad ng bagyong Paeng noong nakaraang buwan.

Sayang ang halagang ito na dapat ay makatulong para umayos kahit papaano ang ating buhay pero naglalaho dahil tayo ang sumasalo at nagdurusa sa kasalanan ng industrialized countries sa kalikasan.

Ngayon, sino sa gobyerno ang mag-iingay para tuparin ng industrialized countries ang kanilang pangakong magbabawas na ng CO2 emission at tulungan ang mga bansang apektado ng climate change (na sila ang may gawa)…meron ba?

202

Related posts

Leave a Comment