KINGS PINALUHOD NG SIXERS

NI VT ROMANO

MAGAAN ang naging panalo ng Philadelphia 76ers kontra bisitang Sacramento Kings, 123-103, Martes ng gabi (Miyerkoles sa Manila).

Lumamang hanggang 28 puntos, bagay na inasahan ni coach Doc Rivers sa kanyang mga alipores.

Ang Sixers ay may 34 assists sa 43 field goals, tumanggap ng 15 assists mula kay James Harden, nine kay Tobias Harris at tigatlo sina Shake Milton at George Niang off the bench.

Mayroon din silang 51.2% shot sa floor, may 16 triples at umiskor ng 80 points sa first half.

“Really the last two games,” sambit ni coach Doc Rivers matapos manalo. “120s, shooting over 50%, ball’s moving, the floor is wide open, that’s exactly what we’re talking about. Tobias had nine assists tonight (Tuesday). James had 15. It just says that they’re moving the ball, they’re playing together, our spacing is correct, and it’s good to see.”

Sa ngayon ang Sixers ay 3-0 sa homestand at nakatakdang dumayo sa Bay Area sa Biyernes para harapin ang defending champions Golden State Warriors.

Nagtala si Joel Embiid ng 31 puntos, 10-of-16 shooting, habang si Harden nag-ambag ng 21 points, 15 assists at five steals. May 21 puntos si Harris at 15 points mula kay Matisse Thybulle. Si Milton ay may 14 puntos at si Niang, 12 points at six rebounds.

Sa panig ng Sacramento, may 22 points at 10 rebounds si Domantas Sabonis.

Wala sa lineup ng Sixers sina Tyrese Maxey (left foot fracture), Danuel House, Jr. (left foot laceration) at De’Anthony Melton (back stiffness). Habang out sa Kings si big man Alex Len (non-COVID illness).

169

Related posts

Leave a Comment