Centino unang hinirang na Ambassador 2 PWESTO NG AFP CHIEF DAPAT IPALIWANAG NG PALASYO – BIAZON

(CREMA LIMPIN)

SA gitna ng usap-usapan ng di umano’y kudeta, isang panawagan ang hirit ng isang retiradong heneral sa Pangulong Ferdinand Marcos Jr. – personal na linawin ang dahilan sa likod ng urong-sulong na pagtatalaga ng Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Sa isang panayam sa telebisyon, hayagang hinamon ni dating Senador Rodolfo Biazon Sr. na minsang nanungkulan bilang AFP Chief of Staff, ang Palasyo na plantsahin ang pagkadismaya ng mga sundalo kung nais pahupain ang pag-aalimpuyo ng ilang dismayadong opisyal ng sandatahan.

“This situation requires a lot of clear answers to de-escalate chaos and confusion in the military… There was no explanation on the removal of Gen. Andres Centino back in August, in the same manner that the appointing authority didn’t cite any valid reason to remove Lt. Gen. Bartolome Bacarro. There must be a valid ground in removing officers who are covered by the law providing fixed three-year term for the AFP chief and seven others,” sambit ni Biazon.

Gayunpaman, nilinaw ni Biazon na wala pa siyang nakikitang dahilan sa ngayon para sumiklab ang isang gulo lalo pa aniya’t wala naman sapat na dahilan para mag-aklas ang mga sundalo.
“I don’t think there would be a destabilization in the same level of what happened during the term of Presidents (Corazon) Aquino, (Joseph) Estrada or (Gloria) Arroyo, because there is no rallying issue,” dagdag pa ng retiradong heneral.

“But let us not be complacent. The worst thing that any administration – past and present – should not do is to confuse men with guns.”

Giit pa niya, marapat din bigyang linaw ang usaping bumabalot sa dalawang “appointment papers” na nilagdaan ng Pangulo para sa nagbabalik na AFP Chief of Staff Andres Centino, kapalit ni Lt. Gen. Bartolome Bacarro na itinalaga ni Marcos Jr. noong Agosto.

Aniya, bago pa man hinirang na AFP Chief of Staff si Centino, lumalabas na may isa pang dokumentong nilagdaan ang Pangulo – ang appointment paper ng pagtatalaga kay Centino bilang Philippine Ambassador to India.

“Gen. Centino has earlier been given an appointment as Ambassador to India. Insofar as the Commission on Appointments is concerned, dalawa ang appointment ni Centino – Ambassador to India at AFP Chief of Staff.”

Para kay Biazon, bagamat nananatili sa Pangulo ang tinawag niyang “hire and fire power,” isang malaking pagkakamali sa panig ng Palasyo ang pagbibigay ng dalawang pwesto kay Centino, kasabay ng giit na may batas na mahigpit na nagbabawal sa mga taong gobyerno sa paghawak ng dalawang pwesto.

Para sa dating senador, hindi dahilan ang kawalan ng Implementing Rules and Regulation (IRR) para balewalain ang Republic Act 11709 na nagtatakda ng fixed term sa posisyon ng AFP Chief of Staff at pitong iba pang pwesto sa militar.

Paniwala ng dating AFP Chief of Staff, kapwa pasok sina Centino at Bacarro sa three-year fixed term na saad ng RA 11709 na awtomatikong nagkabisa 16 araw matapos lagdaan ng nakaupong Pangulo.

180

Related posts

Leave a Comment