(NI JG TUMBADO)
KINILALA ng Philippine National Police (PNP) ang tapang na ipinakita ng 18 pulis ng Victoria Municipal Station na tagumpay na naitaboy ang nasa 50 myembro ng New People’s Army (NPA).
Sa flag ceremony sa Camp Crame, ginawaran ni PNP Chief General Oscar Albayalde ng Medalya ng Kadakilaan sina:
-Police Lt. Eladio G. Alo, Hepe ng Victoria Municipal Station
-Pol. Chief Master Seargent’s Aimee Lutze Cadiente at Marlon Ordonia
-Pol. Sr. Master Seargent Arturo Gordo Jr.
-Pol. Master Seargent Arnold Cabacang
-Pol. Staff Seargent’s Ramil Ramos, Raul Francisco Jr.; Brande Esquilon ;
-Pol. Corporal’s Bryan Ed Penaflor; Jaykarl Laurio; Eddie Edwin Diaz; Tracy Silagan, Jake Salesa;
-Patrolman’s Ronnel Goco; Marlon Estopagian; Errol Montopar; Geral Casyao at Jhonar Cris Bernadas.
Bukod naman sa Medalya ng Kadakilaan, tumanggap din sina Gordo at Cabacang ng Medalya ng Sugatang Magiting matapos magtamo ng sugat sa bakbakan.
Ayon kay Albayalde, magandang halimbawa ang ipinakita ng mga pulis na kahit na dehado sa bilang ay lumaban at nanalo pa.
Dahil dito, naniniwala sya na malaking dagok sa NPA ang nangyari lalo pa’t tatlo sa kanilang mga myembro ang nasawi at isa ang naaresto.
203