CARL TAMAYO, NEW B.LEAGUE RECRUIT

ISANG araw makaraang magpaalam sa University of the Phi­lippines (UP) Fighting Maroons, inihayag ang pagpirma ni Carl Tamayo sa Japan’s B. League.

Lumagda ng kontrata ang 21-anyos na Gilas Pilipinas forward sa Ryukyu Golden Kings.

Si Tamayo ay UAAP Rookie of the Year sa Season 84 at bahagi ng Mythical Team sa Season 85. Bilang freshman, naging instrumental siya sa kampeonato ng Fighting Maroons makalipas ang 36 taong tagtuyot.

Walang nag-akala na ang katatapos lang na UAAP season, kung saan muling nakapasok sa finals ang UP ngunit tinalo ng Ateneo de Manila University sa tatlong laro, ang huli na palang paglalaro niya sa Fighting Maroons.

Mapapabilang si Tamayo sa Ryukyu, koponang may 21-7 win-loss record sa 2022-23 season kasama ang import din na si Jay Washington.

“Tamayo is a promising 21-year-old forward who will lead the next generation of the Philippine national team. He will start his professional career with the Kings before graduating from college,” official statement ng Ryukyu.

Nasa bakuran din ng Ryukyu si former Meralco import Allen Durham, naga-average ng 15.9 points at 8.4 rebounds ngayon sa B.League. (VT ROMANO)

419

Related posts

Leave a Comment