BUMATO si Kyle Kuzma ng 3-pointer, 5.7 seconds sa orasan at naitakbo ng host Washington Wizards ang 100-97 win konra Chicago Bulls.
Mula sa timeout, nag-drive si Kuzma pakanan at ibinato ang halos patagilid na basket.
Kasunod nito, mintis si Bulls’ Zach LaVine sa kanyang 16-footer sa huling 2.3 seconds at nakuha ni Deni Avdija ang huli sa kanyang career-high 20 rebounds para sa Washington.
Una rito, na-beat ni LaVine ang shot clock para itabla ang iskor sa 97-all.
Nagtala si Kuzma ng 21 points, habang si backup forward Anthony Gill may career-high 18 points at si Monte Morris, 17 points para sa Wizards.
Nabalewala ang 38 puntos ni LaVine para sa Chicago, na-miss ang scoring leader nitong si DeMar DeRozan, unang larong absent sanhi ng quadriceps strain.
Sa iba pang resulta: Detroit Pistons 135, Minnesota Timberwolves 118; New York Knicks 119, Indiana Pacers 113; Memphis Grizzlies 135, San Antonio Spurs 129; Denver Nuggets 126, Phoenix Suns 97; Sacramento Kings 135, Houston Rockets 115. (VT ROMANO)
