‘HACKING’ SA WEBSITE NG PHIL ARMY BUBUSISIIN NG DICT

philippine ARMY12

(NI JESSE KABEL)

SINISIYASAT na ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang napaulat na data breach sa Philippine Army (PA) website.

Iniahayag ni DICT acting Secretary Eliseo Rio Jr. na sinimulan na ng kanilang cyber security bureau ang pagsisiyasat matapos mabatid na nitong Enero pa sinimulan umano’y hacking sa website ng Philippine Army.

Batay sa ulat, nangyari ang data breach ng old files ng mga tauhan ng Army sa isinasalin na bagong website.

Bagama’t lumang mga datos umno ang mga ito, sinabi ni Rio, na kailangan pa ring masuri ang insidente lalo na’t dawit dito ang ilang personal na impormasyon.

Nilinaw naman ni Army spokesperson Col. Ramon Zagala na hindi maituturing na hacking ang nangyari sa kanilang website.

Paliwanag ni Col. Demi Zagala,  mga luma at unclassified data lang naman ang nakuha ng umano’y  hacking group na Pinoy Lulzsec partikular ang listahan ng mga sumali sa Scout Ranger Force mula 1950 hanggang 2004.

Tiniyak ni Zagala na secured ang Philippine Army Network at walang nakompromiso sa kanilang existing website.

Sa ngayon aniya, iniimbestigahan na ng kanilang network enterprise technology battalion ang insidente para matukoy kung sino ang nasa likod nito.

Matatandaang April 1 nang mapabalita ang umano’y April Fool’s hacking incident sa website ng Philippine Army kung saan naapektuhan ang impormasyon ng nasa 20,000 sundalo.

Nagsasagawa na rin ng imbestigasyon ukol dito ang National Privacy Commission (NPC).

 

261

Related posts

Leave a Comment