DOLLAR RESERVE NG PINAS LUMOBO

dolyar12

(NI MAC CABREROS)

NAGSALANSAN ng dolyar ang bansa nitong Marso, iniulat ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Naitala ang pinakamataas na gross international reserves (GIR) sa loob ng 36-buwan bunsod ng malaking bulto ng perang pumasok sa bansa.

Sa ulat ng BSP, nakalikom ng $83.198 bilyon ang GIR sa katapusan ng Marso na mas mataas sa $82.78 bilyon noong Pebrero.

“This is the highest for the GIR since it registered at $83.736 billion in April 2016,” ayon BSP governor Benjamin Diokno.

Binanggit Diokno na lumobo ang dollar reserve ng bansa bunga ng kinita ng gobyerno sa foreign currency deposits, foreign exchange operations at investments sa ibang bansa.

Bagama’t ganito ang sitwasyon, ayon pa BSP, nakaltasan ang GIR dahil ibinayad ito sa utang panlabas gayundin sa ipinantapal sa paghina ng presyo ng ginto sa international market.

 

147

Related posts

Leave a Comment