PBGEN JOSE HIDALGO, JR. MASIPAG, MAAASAHANG CENTRAL LUZON PNP DIRECTOR

TARGET NI KA REX CAYANONG

MARAMING hamon na kinakaharap ang Philippine National Police (PNP).

Hindi iyan maitatanggi. Nandiyan ang ilang pulis na nagiging dahilan para lalong bumagsak ang imahe ng PNP.

Sa mga nangyayari ngayon na kaliwa’t kanan ang kinasasangkutan ng ilan sa kanila, marami namang matitino rin.

Karamihan sa mga nabubugok ay ang mga baguhan, kasabwat daw ang mga boss nila.

Sinisikap naman ni PNP chief Gen. Benjamin Acorda, Jr. na malinis ang kanilang hanay. May mga nahuli at nasasampahan ng kaso.

Sa kabilang banda, marami pa rin talagang matitino at maayos magtrabaho.

Sinisikap nilang mapahusay pa ang paglilingkod sa kanilang nasasakupan.

Isa na nga riyan ay ang direktor ng Philippine National Police-Regional Office 3 o sa Central Luzon sa katauhan ni Police Brigadier General Jose Hidalgo, Jr.

Kung hindi ako nagkakamali, noong Pebrero pa ngayong taon naitalaga si Hidalgo.

Sa ilalim ng kanyang pamamahala, lumalakas ang anti-criminality campaign sa rehiyon.

Pinagpupursigihan din ng liderato ni Hidalgo ang kampanya laban sa ipinagbabawal na droga.

Alam ni Hidalgo na matindi talaga ang hamon na kinakaharap ng kanilang organisasyon.

Kaya ginagawa nila ang lahat para gumanda muli ang imahe nila sa publiko, dahil totoo nga namang may mga bulok din sa ilang sangay ng PNP.

Kaya hinikayat ni Hidalgo ang kanyang mga tauhan na iprayoridad ang pagseserbisyo sa publiko at tungkulin sa pambansang pulisya.

Dapat din aniya na iwasang masangkot sa anomang katiwalian o krimen.

Kung hindi ako nagkakamali, si Hidalgo ay kasapi ng Philippine National Police Academy (PNPA) Tagapagkalinga Class ’91.

Bago siya umupo bilang PRO3 director, nagsilbi muna siya bilang NCRPO deputy regional director for administration.

Good job at mabuhay po kayo, BGen. Joe Hidalgo, Sir!

228

Related posts

Leave a Comment