BINATIKOS ng mga netizen ang plano ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na pagmultahin ang mga motorcycle rider na sisilong sa ilalim ng mga flyover at footbridge tuwing umuulan.
Ayon kay MMDA acting Chairman Romando Artes, layon lamang nitong tiyakin ang kaligtasan ng mga rider.
Base sa plano, pagmumultahin ng P500 ang mga rider at iisyuhan ng violation tickets.
Ayon pa sa MMDA, bukod sa delikado para sa mga motorista ang pagsilong sa ilalim ng mga footbridge at flyover, nakaaabala rin ito sa daloy ng trapiko.
“Nagko-cause po siya ng traffic dahil, imagine mo, kung 30 minutes to an hour ang ulan, hindi sila umaalis hangga’t hindi tumitila. Minsan, isang lane na lang ang nadadaanan na nagko-cause po ng sobrang traffic,” pahayag ni Artes.
Gayunman, hindi ito nagustuhan ng mga netizen at inakusahan ang MMDA na hindi makatao. Anila, solusyon bago multa.
Narito ang mga komento ng netizens sa nasabing usapin:
Ajax Tartaglia:
Pagmultahin pero para sa kaligtasan? Diba nonsense yun? If you want them to be safe, provide safe spaces. Ang magiging result nyan ay magpapa basa na lang sila sa ulan. Which could lead to sickness. So safety parin ba nila ang end result?
Inked Drummer:
Technically in the first place dapat meron na rain gear mga motorista. Kahit kapote is fine. Irresponsible naman magmotor or bumili ng motor n walang simpleng gear. Hello, summer and rainy seasons sa pinas. D po tayo immortal.
Pero wag naman multa agad.
iceman.nbf:
sana ayusin nyo, ung iba flyover instead of an artifial garden, gawin silungan… ung ibang mrt stn. i-share sa nagmo-motor pra may masilungan…
maraming pede gawin para makatulong/maging makatao.
isip agad multa… naknangmulta!
Hecate:
Kung para sa kaligtasan ng riders, meron ba silang itinalagang masisilungan pag umulan na accessible talaga?
Luz:
Pagkakaperahan na lang ba talaga ang focus nila at walang ng pakiaalam sa comfort ng pangkaraniwang mamamayan?
No longer govt. for the people but people for the priviledged in the govt.?
Justine James:
let this happen, but before doing it make sure meron din masisilungan ang mga riders, cause implementing right can be wrong if their is no win win situation
gette:
Kawawa naman ang mga rider, pwedi naman pagsabihan,multa agad,maliit nga lang kita nila
#BiasedForTruth:
I drive my car. I don’t mind motorcycle riders getting shelter from rain even if it means traffic.
Hello, saglit lang sila makisilong.
Maging makatao na man Tayo.
JacquesTrader:
Dapat warning muna, mag muna multa agad.
Li:
pati b pagsilong.. naulan nga kya sumilong.. lahat nlng.. d nila pagmultahin ung mga kawatan..
Julie Caranto:
What if si chairman na lang po kaya maging rider
Nordin Pumbaya:
So dapat e require ang pag gamit ng helmet na meron wiper
Piscean:
@MMDA asan na po ang MALASAKIT?
@etxetera:
Pero ang mga smuggler at pogo ala multa. Ang mga legit na natambay sana sinisita consistently di lang pag naulan.
Carl.alt:
Halata tlga yung mga boss nyo di naka.try mag.commute kahit 1 time sa buhay nila.
@MMDA
QG:
Wag nyo naman pagmultahin, Magkano na nga lang kinikita ng mga yan tapos ganyan Pa gagawin nyo….where is the humanity?!
Papi So:
Kesa multa bakit hindi nalang sila gumawa ng motorcycle sheds that can be a pit stop for the riders especially on rainy hours? Bat kailangan perahan pa?
William:
Dyan magaling Ang administration. Fine, penalty, Multa.. another source of income nga Naman Ng ahensya….
Biboy Suliva:
Wala bang ibang mas pakipakinabang? Yung mga nakadouble parking siguro bigyan nyo ng pansin lagi keysa diyan
Daddybumbay:
Lahat n lng multa? D ba pwedeng ipagbawal lang. Ang sumilong ang ginagawa dahil iyon ang mas maayos na gawin kesa magdrive habang unuulan mas delikado para s akin opinyon.
hotwar:
Gg thinking … pag biglang lakas ulan at hangin natural ang mga motor isisipin nila kaligtasan nila … dapat talaga technical ang mga nasa pwesto ung hindi politiko lang
Dissenting Voice:
Multa kaagad? Bakit hindi hanapan ng common ground para matulungan naman ang mga nagmomotor? Puro pera na lang? May ambag naman sila sa economy ng Pilipinas ah? Mga Angkas, Grab, at iba pang motorcycle based services ang mabilis na nagpapaikot ng commerce at communications.
AnnEast:
Kung kailangan, puwede namang paalisin nang maayos at magkaroon kayo designated place na sisilungan, pero para pagmultahin pa? Kasalanan ba nila na umulan? Un mga tiwali sa gobyerno ni walang parusang matino?
Edison A. Uy:
Mali ata yun. Sumisilong lang para DI MAGKASAKIT at MAKAPASOK SA TRABAHO para kumita ng ikabubuhay, tapos peperahan niyo agad?
Martin SNORT:
I’m not sure about this may risk talaga sa ibang motorists. Pero MMDA dapat buwagin dahil di na natapos baha at basura sa Metro Manila. Walang silbi.
PinoyVolleyBae:
Bwiset! Imbes na pagmultahin, why not think of compassion and solution na bigyan ng masisilungan ang ating mga motorista na nagtatrabaho ng marangal para sa pamilya nila. Na hindi sila magkasakit sa gitna ng lakas ng buhos ng ulan!