P21-M SHABU HULI SA KARPINTERO

MAHIGIT sa P21 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa isang karpintero subalit itinuturing na isang high value target ng mga awtoridad, matapos ang ikinasang anti-narcotics operation sa bayan ng Dauis, lalawigan ng Bohol.

Ayon sa ulat, nadakip sa buy-bust operation noong nakaraang Linggo ang suspek na si Sherwin Trabero Aranas, residente ng Purok 5, Barangay Mariveles ng nasabing munisipalidad .

Nakuha mula sa pag-iingat nito ang tatlong plastic bundle ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 3.225 kilos at may street value na aabot sa P21,930,000.

Sinasabing nagtatrabaho bilang karpintero si Aranas sa araw at nagde-deliver naman ng droga sa gabi sa munisipalidad ng Dauis at mga kalapit bayan sa Bohol.

Matapos na kumagat sa pain ng isang pulis na umaktong poseur buyer, ay agad pinalibutan ang suspek ng mga awtoridad bandang ala-una ng madaling araw sa Purok 8, Barangay Songculan.

(JESSE KABEL RUIZ)

138

Related posts

Leave a Comment