PINATUTUTUKAN sa mga awtoridad ang mga hinihinalang improvised storage facilities na pinagtataguan ng frozen meat products.
Babala ng Department of Agriculture (DA), maaaring makulong ng hanggang 12 taon ang mga importer, distributors at mga reseller ng puslit na frozen meat o botcha base sa nakasaad sa Meat Inspection Code of the Philippines.
Ang nasabing pahayag ay bunsod ng nadiskubreng storage facilities na pinag-iimbakan ng mga hinihinalang expired at smuggled frozen meat na nagkakahalaga ng Php 35 million sa Meycauayan, Bulacan kamakailan. Tinutunton pa ang mga reseller ng expired at smuggled na karne.
Nagsasagawa na rin ang mga awtoridad ng imbentaryo sa mga nakumpiskang karne at iniimbestigahan kung saan ibinibenta ang mga nirepack nito.
Binalaan ng DA ang mga tumatangkilik ng smuggled na produkto dahil bagaman mura ay hindi naman nakasisigurong ligtas kainin ang mga ito dahil hindi dumaan sa pagsusuri.
(JESSE KABEL RUIZ)
184