EGAY DEATH TOLL UMAKYAT SA 25

UMAKYAT na sa 25 ang death toll mula sa pananalasa ng Bagyong Egay (international name: Doksuri) habang libo-libo pa ang nananatili sa evacuation centers partikular sa Northern Luzon.

Sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 52 ang sinasabing sugatan habang 23 pa ang nawawala kabilang ang apat na mga tauhan ng Philippine Coast Guard na sakay ng tumaob na aluminum vessel sa Abulug, Cagayan noong isang linggo.

“Sumaklolo sila sa mga kababayan natin… Iyong aluminum boat [na sakay sila] ang nawawala at patuloy na hinahanap,” pahayag ni Office of Civil Defense (OCD) Administrator Ariel Nepomuceno.

Ayon sa datos ng NDRRMC kahapon, dalawa sa naturang bilang ang kumpirmadong may kinalaman sa bagyo habang ang nalalabi ay ‘for validation’ pa.

Samantala, patuloy ring lumolobo ang bilang ng mga apektadong indibidwal. Sa ngayon, nasa 2.3 milyon katao o katumbas ng 654,837 na pamilya ang apektado mula sa 4,111 barangay sa Regions 1, 2, 3, 5, 6, 10, 12, CALABARZON, MIMAROPA, BARMM at Cordillera Administrative Region.

“Unti-unti na pong bumabalik ang ating mga kababayan doon sa kanilang mga bahay, at patuloy po tayong nagmo-monitor kung kailangan din silang pabalikin sa mga evacuation center,” ani Nepomuceno.

“As of Monday, around 312,000 residents have fled their homes almost a week since Egay’s onslaught, with some of them staying in 737 evacuation centers across the country. Some 17,349 residents had also been preemptively evacuated,” ayon sa datos ng Office of Civil Defense. (JESSE KABEL RUIZ)

208

Related posts

Leave a Comment