ABANDONADONG KOTSE, IKINAALARMA NG MGA RESIDENTE

CAVITE – Ikinaalarma ng mga residente ang halos tatlong buwan nang abandonadong kotse sa isang barangay sa bayan ng Silang sa lalawigan.

Ayon sa ulat ng Silang Municipal Police Station, Disyembre pa noong nakaraang taon nang iparada ang puting sasakyan na isang KIA Rio Sedan na may plakang UVD 912, sa Longon, Barangay San Miguel 2, Silang, Cavite.

Ayon sa mga residente, inakala nilang ipinarada lamang ito ng may-ari sa lugar subalit halos tatlong buwan na ang nakararaan ay hindi pa ito kinukuha o ginagalaw man lamang, na kanilang ikinaalarma dahilan upang ipagbigay-alam sa pulisya.

Hiniling ng mga residente na kunin na lang ng pulisya ang nasabing sasakyan at dalhin sa kanilang impounding area habang nakikipag-koordinasyon sa LTO Tagaytay sa posibleng may-ari ng abandonadong sasakyan. (SIGFRED ADSUARA)

31

Related posts

Leave a Comment