ABOGADO AT SUPPORTERS NG ATEACHER NOMINEE NAGBABALA NA KAKASUHAN ANG MGA MANINIRA KAY MS. RODRIGUEZ

NAKAHANDA ang ilang abogado at tagasuporta ng ATEACHER nominee na si Virginia Rodriguez na magsampa ng kaso laban sa mga indibidwal na gagawa ng mga paninira laban sa kanya at sa kanyang pamilya.

Ayon sa ulat, may ilang grupo ang nagsasagawa ng smear campaign laban kay Ms. Rodriguez matapos na tumaas ang rating ng ATEACHER party list sa numero uno, base sa mga survey na isinagawa kamakailan.

Umapela ang mga abogado at tagasuporta ni Ms. Rodriguez sa publiko na i-report ang sinumang indibidwal o grupo ng mga taong sangkot upang sirain ang reputasyon ng ATEACHER party list nominee.

Si Ms. Rodriguez, na siyang may-akda ng librong “Leave Nobody Hungry” ay may kakayahang pababain ang presyo ng mga produktong pang-agrikultura lalo na sa pagkain at para maiangat ang buhay ng bawat pamilyang Pilipino, partikular ang maliliit na magsasaka sa bansa.

Isang matagumpay na negosyante at pilantropo, ang isa sa mga nominee ng ATeacher Partylist na si Rodriguez ang tanging party-list nominee na nagsusulong para sa isang bansang cancer-free dahil sa pagtuklas ng mga bagong bitamina na ginawa niya kasama ng mga Filipino scientists at medical experts.

Gamit ang kaalaman sa paggawa ng mga organikong pataba, si Rodriguez ang tanging indibidwal na nagtataglay ng mga ideya na ibaba ang mga presyo ng mga pangunahing pangangailangan sa pamamagitan ng paggamit ng makabagong teknik at makabagong teknolohiya sa paggawa ng mga produktong agrikultural.

Siya ay isang masipag at ulirang ina ng anim na matatalinong kabataan, nag-iisang itinaguyod ni Rodriguez ang kanyang pamilya para panatilihing matagumpay at magalang ang mga ito.

Nangako rin siya na maghahain ng batas na tinatawag na “Leave Nobody Hungry” na magbibigay ng pagkain sa bawat pamilyang Pilipino at puksain ang malnutrisyon sa bansa at pangarap rin niyang mapangalagaan ang bansa laban sa Cancer.

49

Related posts

Leave a Comment