‘RECTO UNIVERSITY’ SINALAKAY, 3 ARESTADO

TATLO katao ang arestado sa pagsalakay ng mga tauhan ng District Intelligence Division (DID) ng Manila Police District, sa tinaguriang “Recto University” sa Claro M. Recto Avenue sakop ng Sampaloc, Manila, na talamak sa paggawa ng pekeng mga dokumento.

Ang mga suspek na kinilalang sina alyas “Nol”, 34; “Lala”, 49; at “Mar” 49, ay sasampahan ng kasong paglabag sa Article 172 (Falsification of Public Documents) ng Revised Penal Code.

Ayon kay Police Captain Joel Aquino, hepe ng Tracker Team, kay Police Lieutenant Colonel John Guiagui, bandang alas-3 pasado hanggang alas-5:00 ng hapon nang isagawa ang nasabing pagsalakay.

Inaresto ang mga suspek sa kanilang puwesto kung saan nakumpiska ang mga pekeng driver’s license, birth certificate, diploma at iba’t ibang mga dokumento. (RENE CRISOSTOMO)

32

Related posts

Leave a Comment