PANSAMANTALANG iiwas sa media interviews ang abogado ni Charlie “Atong” Ang habang isinasagawa ang mga legal na hakbang para sa kanyang kliyente.
Ayon kay lead counsel Atty. Gabriel Villareal, lilimitahan muna niya ang kanyang mga pahayag sa opisyal na media releases upang hindi maapektuhan ang mga legal na remedyo ng depensa.
Kasabay nito, inanunsyo ni Villareal na magsasampa ang kampo ni Ang ng Omnibus Motion upang ipawalang-bisa ang warrant of arrest na inilabas ng korte sa Laguna, kaugnay pa rin ng kaso ng mga nawawalang sabungero.
Giit ng depensa, minadali umano ang paglabas ng warrant at nakabatay sa hindi kumpletong impormasyong isinumite ng DOJ sa pagtukoy ng probable cause.
Umaasa rin ang kampo ni Ang na agad na madinig sa susunod na linggo ang naturang mosyon. Sa kabila nito, tiniyak ng DOJ na hindi maaantala ang pag-usad ng kaso, may warrant man o wala ang puganteng negosyante.
(PAOLO SANTOS)
4
