ABOGADO NILIKIDA SA PALAWAN

MARIING kinondena ng Integrated Bar of the Philippines ang paglikida sa isa nilang kasapi na isa ring guro sa Palawan State University at isang partner sa TMG Law Palawan, nitong Martes umaga.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng Narra Municipal Police Station, dead on the spot ang abogadong si Eric Magcamit matapos harangin at pagbabarilin ng armadong kalalakihan.

Lumilitaw sa pagsisiyasat, patungo sa korte ang abogado para dumalo sa nakatakdang pagdinig sa bayan ng Quezon nang harangin ang kanyang sasakyan sa Brgy. Malinao, Narra, Palawan.

Pinababa ang biktima mula sa kanyang sasakyan at ilang ulit na binaril ng hindi kilalang mga suspek na naging sanhi ng daglian nitong kamatayan.

Napag-alaman, nagsilbi rin ang abogado sa Palawan provincial legal office at naging legal researcher sa House of Representatives.

“We honor the life and memories of our brother through his great contribution not only in the IBP but to the society as well. His senseless death is a great loss to the community he had perseveringly served since his admission to the bar, and most especially to us, his brethren in the legal profession,” ayon sa IBP-Palawan. (JESSE KABEL)

93

Related posts

Leave a Comment