NAGHAIN ng panukalang batas sa mababang kapulungan ng Kongreso na pupuntirya sa mga abusadong kolektor ng online lending apps o OLA
Base sa “Fair Debt Connection Practices Act” na nakapaloob sa House Bill (HB) 6681 na inakda ni Davao City Rep. Paolo Duterte, sinabi nito na kailangang tapusin na ang pagiging abusado ng mga debt collector at pagsasamantala ng mga OLA.
“More victims have continued to come out to report being harassed, shamed, threatened, and forced to pay usurious interest charges. Both the Executive and Congress need to act fast to put an end to these inhumane debt collection practices,” ayon sa mambabatas.
Ayon pa sa mambabatas, kailangang magkaroon ng batas na tatapos sa ilegal na operasyon ng online lending apps dahil sa kabila ng kampanya ng gobyerno laban sa mga ito ay patuloy pa rin silang dumarami kaya parami nang parami rin ang kanilang nabibiktima.
Ang masaklap ay napakataas ang interes na agad ipinapataw ng mga ito sa mga taong nagigipit at kapag hindi nakabayad ang mga biktima sa tamang oras ay hina-harass nila ang mga ito, ipinahihiya, pinapadalhan ng kabaong, bulaklak ng patay at kung ano-ano pa.
“The absence of a law that would tighten regulation over online moneylenders is among the reasons why abusive debt collectors proliferate in cyberspace,” ayon pa kay Duterte, kaya umapela ito sa liderato ng Kamara na ipasa na ang nasabing panukala.
Mismong ang Philippine Association of Loan Shark Victims Inc. (PALSVI) ang tumutulak umano sa nasabing panukala at nagpetisyon sa gobyerno na isara ang 101 OLA dahil patuloy pa rin ang ilegal na operasyon ng mga ito.
Ginawa umano ng nasabing grupo ang petisyon dahil marami nang buhay ang sinira ng OLA dahil sa kanilang pangha-harass, pagbabanta sa kanilang mga biktima na napilitang mangutang nang mabilisan dahil sa kagipitan sa buhay.
“The PALSVI petition said many victims have lost their jobs, broken off relationships and friendships, and suffered extreme grief, trauma and depression to the point of wanting to end their lives,” ayon pa kay Duterte, kaya kailangan aniya ang nasabing panukala na kapag naging batas ay ire-regulate ang mga OLA at papatawan ang mga ito ng monetary damages bukod sa mga kasong may kaugnayan sa pagbabanta.
(BERNARD TAGUINOD)
