MULING umarangkada ang “Tulong Pinansyal sa Montalban” ni Congressman Fidel Nograles na malaking tulong sa mga benepisyaryo nito sa nasabing bayan.
Katuwang ni Nograles sa kanyang “Tulong Pinansyal sa Montalban” ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Nakatanggap ang mahigit 1,000 kapos-palad na senior citizens, PWD, kababaihan, kabataang mag-aaral, at mga nawalan ng kabuhayan, ng tulong sa pamamagitan ng financial assistance, medical assistance, burial assistance, educational assistance, at livelihood assistance.
Nauna rito, namahagi rin si Nograles ng TUPAD financial assistance katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE).
Hindi rin tumitigil si Nograles sa pag-iisip kung ano ang kanyang magagawa para makatulong sa kanyang constituents sa Rizal 4th District (Montalban).
Nakipag-ugnayan na rin ang mambabatas sa ibang bansa partikular sa International Labor Organization (ILO) para sa proteksyon at kapakanan ng mga manggagawang Pinoy.
Bukod dito, sinisikap din ni Nograles na matugunan ang kakulangan ng nurses sa government hospitals.
Bilang chairman ng Labor and Employment Committee ng House of Representatives, hinikayat niya ang ibang mga mambabatas na makipag-diyalogo sa stakeholders para matugunan ang kakulangan ng nurses sa pampublikong hospitals.
“Sasama tayo para magbigay ng suporta, lalong-lalo na kung makita na kailangan natin ng batas na magtataguyod sa mga solusyong maiisip natin,” dagdag pa niya.
(JOEL O. AMONGO)
