(Ni JOMAR OPERARIO)
Ipinagmalaki ng Customs NAIA sa pangunguna ni District Collector Mimel Talusan kasama ng kanyang mga opisyal ang kanilang accomplishments matapos nilang maabot ang record-breaking statistics sa border protection bilang suporta nila sa isinusulong na repormang programa ni Commissioner Rey Leonardo Guerrero.
Ang Customs NAIA base sa tala, ay nakakumpiska ng 4,496 kgs ng karne at karneng produkto na walang permit dahilan upang mapigilan ang pagpasok ng African Swine Fever (ASF) outbreak sa bansa.
Nasabat din ng Customs NAIA ang 3,084 live species mula sa illegal importation, exportation at wildlife trade.
Bukod dito, umabot din sa 358 piraso ng live ammunitions, 46 pirasong smuggled gun parts at 10 pirasong smuggled pistols/rifles ang nasabat ng Customs NAIA.
Ang Customs NAIA ay nakapag-ambag ng 8% revenue sa BOC na mas malaki kung ikukumpara sa nakaraang taon.
Sa susunod na buwan ay nakatakdang ipagdiwang ng Customs NAIA ang kanilang 59th Founding Anniversary of Collection District III.
Ang nasabing okasyon ay inaasahang dadaluhan ng mga personalidad mula sa BOC main office na kinabibilangan ni Commissioner Guerrero, stakeholders at iba pang partners nila bilang collection district III.
