ACTIVE COVID CASES SA VALENZUELA, 188; NAVOTAS, 21

covid

UMAKYAT sa 188 ang active COVID cases sa Valenzuela City, ayon sa pinakahuling ulat ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU).

Ayon sa CESU, hanggang alas-11:59 ng gabi noong Hulyo 27 ay 155 sa active cases ang naka-home quarantine, 29 ang nasa isolation facility at apat ang nasa ospital.

Pumalo na sa 44,680 ang cumulative confirmed cases sa lungsod matapos na 32 ang nagpositibo sa virus, habang 43,553 naman ang recovered matapos na may 18 gumaling, at mapalad na nanatili sa 939 ang COVID casualties.

Noon ding Hulyo 27 ay nagtala naman ang Navotas City Health Department ng 21 active cases, habang 21,227 na ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID sa lungsod.

Umakyat sa 20,554 ang bilang ng mga gumaling, at 652 ang COVID death toll sa fishing capital.

Patuloy namang nagpapaalala ang pamahalaang lungsod ng Navotas na parating sundin ang health at safety protocols, at magpabakuna o magpaturok ng booster para may proteksyon laban sa COVID-19. (ALAIN AJERO)

128

Related posts

Leave a Comment