IBINASURA na ng Office of the Ombudsman ang administrative charges laban kay dating Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III kaugnay ng kuwestyunableng pagbili ng COVID-19 supplies at Covid kits na nagkakahalaga ng P41- billion noong 2020.
Kabilang ang mga kasong grave misconduct, conduct prejudicial to the best interest of the service at gross neglect of duty na ipinataw kay Duque noong Agosto, 2024 ay na-dismiss.
Ito ay matapos pagbigyan ng Ombudsman ang motion for reconsideration ni Duque na una nang nahatulan ng ahensya na guilty ang dating opisyal at isa pang kapwa akusado noong Mayo 6.
Dahil doon ay tuluyang napatalsik sa pwesto si Duque bilang DOH Secretary.
Siya rin ay inalisan ng retirement benefits at perpetually disqualified sa kahit anong government positions o trabaho. Samantala, nitong Agosto 5 ay pumayag na ang Ombudsman na i-abswelto na siya sa administrative complaints dahil matagal nang tapos ang kanyang termino bilang kalihim ng DOH. (JULIET PACOT)
219
