ADVERTISING MANAGER NG SAKSI NGAYON PATAY SA HOLDAPER

BINAWIAN ng buhay ang advertising manager ng pahayagang SAKSI Ngayon habang nasa kritikal na kondisyon ang kasama nito matapos pasukin umano ng holdaper ang salon and spa na pag-aari nito, Martes ng hapon sa lungsod ng Quezon.

Kinilala ang biktima na si Gwen Salamida habang patuloy namang ginagamot ang kasama nito na si Oliver Perona sa Quezon City General Hospital.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), dakong 3:35 ng hapon nang maganap ang insidente sa Gott Salon and

Spa na matatagpuan sa No. 191 Kaingin Road, Brgy. A. Samson, QC.

Ayon sa imbestigador na si PSSg Jason Santoceldes, abala sa paglilinis ng salon ang mga biktima bilang paghahanda sa muling pagbubukas kapag natapos na ang ipinatutupad na enhanced community quarantine (ECQ) nang biglang pumasok ang isang lalaki.

Sinasabi na nagpahayag ng holdap ang suspek habang nakatutok ang hindi pa batid na kalibre ng baril pero nanlaban ang mga biktima kaya pinaputukan ang mga ito.

Nang duguang bumulagta ang mga biktima ay agad tumakas ang suspek sakay ng motorsiklo.

Patuloy pa ang pagsisiyasat ng pulis sa nasabing krimen. (TJ DELOS REYES)

201

Related posts

Leave a Comment