AEO PROGRAM INILUNSAD NG BOC

AEO PROGRAM

(Ni BOY ANACTA)

INILUNSAD ng Bureau of Customs (BOC) ang Authorized Economic Operator (AEO) Program noong Disyembre 2.

Ang programa ay implementasyon ng Section 1227 at 1228 ng Republic Act No. 10863 o mas kilala sa tawag na Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) at Customs Administrative Order No. 5-2017 na inestablisa ang Authorize Economic Ope­rator Program sa Pilipinas.

Nakapaloob dito  ang ‘infrastructure, facility, mechanism, process and benefits necessary for its full implementation’.

Ang AEO Program ay haligi ng World Customs Organization’s (WCO) ‘SAFE Framework of Standards to Secure and Facilitate Global Trade’ na ang BOC ay nakatuon sa implementasyon.

Ito ay bahagi na may kinalaman sa ‘interna­tional movement of goods’ na ang gawain ay aprubahan ng National Customs Administration bilang pagtupad sa WCO o katumbas ng ‘supply chain security standards.’

Ito rin ay ikinukonsidera na pinagkakatiwalaang katuwang ng gobyerno pagdating sa kalakalan.

Ang accredited ng AEO ay magkakaroon ng iba’t ibang pakinabangan sa kalakalan, kasama ang pagpapabilis ng proseso at pag-release ng shipments, minimum number of cargo security inspections, priority processing ng Customs sa panahon na nakataas ang banta o ng mga sumunod na insidente na naglalayon ng pagsasara ng port o borders at kapwa pagkilala sa AEO status ng Customs authorities.

Mula nang ipatupad ang SAFE Framework noong Hunyo 2005, iba’t ibang bansa na ang na­kinabang mula sa AEO program na tulad ng New Zealand, India, South Korea, Brazil, Australia at China.

Ang interim AEO Office ay binuo sa ilalim ng Office of the Deputy Commissioner, Assessment and Operations Group na siyang mangangasiwa sa implementasyon ng programa para i-accredit ang initial Philippine AEOs sa 2020.

Pagkatapos ang Bureau ay gagawa ng pa­raan para makipag-ayos sa Mutual Recognition Arrangements kasama ng iba pang AEO implementing countries sa pamamagitan ng tulong ng Asian Development Bank at ang Japan International Cooperation Agency (JICA).

Kasama ng AEO Program, isang susi para sa solid Customs-Business partnership, ang BOC para sa mas malayong pananaw para sa seguridad at tahimik na kalakalan at kaunlaran ng ekonomiya.

278

Related posts

Leave a Comment