AGAHAN ANG PAGBABALIK NG JEEPNEYS – SOLON

HINDI na dapat hintayin pa ng mga transportation official ang tinatawag na modified general community quarantine (MGCQ) sa June 21.

Ito ang iginiit ni Senador Francis Pangilinan bilang tugon sa nararanasan ng mga ordinaryong manggagawa na stranded sa mga lansangan dahil sa kawalan ng pampublikong sasakyan.

“Day One of the GCQ in Metro Manila gave us scenes of chaos in the streets as people waited for hours to get a bus ride or to get on the trains. Marami ang napilitang maglakad nang ilang kilometro sa ilalim ng araw o ulan makarating lang sa pinagtatrabahuhan,” sabi ni Pangilinan.

Paliwanag pa nito na dapat pinag-aralang mabuti ng pamahalaan ang idudulot ng pagbabalik sa trabaho ng ilang manggagawa na umaasa sa mga pampublikong sasakyan tulad ng jeep at bus.

“The shift to the eased quarantine should have been complemented with adequate means of transportation to ferry the people to their destination. Marami sa kanila sabik na sabik na makabalik sa trabaho para may ipakain sa kanilang pamilya matapos ang higit dalawang buwang lockdown?” sabi nito.

Giit pa ni Pangilinan, sa kabila ng bilyun-bilyon ang ginasta ng gobyerno ay hindi umano ito tama lalo na nagresulta ito ng paghihirap ng ordinaryong manggagawa.

“‘Yung new normal dapat better normal, lalong-lalo na sa mga commuter, sa mga walang sariling sasakyan, sa mga nakaasa sa mga padyak, tricycle, jeep, bus, at tren. ‘Yung new normal, hindi dapat ‘yung mas malala pa du’n sa iniwan. Buti pa ang mga POGO workers, may pa-transport papunta at pabalik sa kanilang pinapasukan at tinutuluyan,” paliwanag ng senador.

“Hindi na dapat hintayin pa ng mga transportation official ang tinatawag na modified GCQ sa June 21. Kailangang kumilos ngayon din. Maglaan ng mas maraming public utility vehicles para mabigyan ang mga tao ng ligtas na masasakyan. Dapat payagan ang mas maraming ruta ng PUV upang mabawasan ang pasanin ng mga tao na kinailangan pang maglakad mula sa kanilang tahanan marating lang ang mga pangunahing lansangan,” dagdag pa nito. NOEL ABUEL

143

Related posts

Leave a Comment