AJ RAVAL POSITIBO SA COVID HINDI SA PREGNANCY TEST

(Ni JULIET PACOT)

HINDI buntis si AJ Raval, positibo siya sa Covid-19 pero hindi sa pregnancy test gaya ng napabalita.

Ito ang itinanggi ng sexy star kasunod ng kumpirmasyon ng beteranang entertainment writer na si Cristy Fermin na nagdadalantao ito at si Aljur Abrenica ang ama.

Bukod sa denial na buntis siya, inamin ni AJ na nagpositibo siya sa virus. Hindi raw totoong nawalan siya ng proyekto dahil sa diumano’y pagbubuntis niya.

Ilang buwan na ang tsismis pero matigas itong pinanindigan ng aktres na walang katotohanan ang isyu. Nagpositibo rin daw ang kasama niya sa pelikula.

Napabalitang si AJ ang itinuturong dahilan kung bakit na-pack up bigla ang dalawang araw na shooting ng pelikulang “Us x Her” ng Viva Films na pinagbibidahan nina AJ, Angeli Khang at Kiko Estrada nitong July 19, 2022.

Sinabi naman ng ilang kasama sa pelikula na hindi nila alam ang tunay na nangyari at kung sino ang nagpakansel ng shooting, lalong never daw nilang alam ang tunay na kalagayan ng sexy star.

254

Related posts

Leave a Comment