AKO-OFW IKINAMPANYA NG MGA ESTUDYANTE

HINDI nagpapigil ang ilang estudyanteng kamag-anak ng overseas Filipino workers para tulungang ikampanya ang AKO-OFW Party-list na numero 116 sa balota.

Kanya-kanyang abot ng fliers at pakikipag-usap ang ginawa nila sa kanilang madaanan sa paligid ng kanilang paaralan sa Maynila para ipalaganap ang adbokasiya ng AKO-OFW Party-list.

Labis naman ang tuwa at pasasalamat ng AKO-OFW dahil sa pagtulong ng mga naturang estudyante nang walang kapalit.

Ayon kay 1st nominee at AKO-OFW Chairman Dr. Chie Umandap, mabuting nalalaman ng ating mga kababayan lalo na ng mga estudyante na kamag-anak ng overseas Filipinos ang halaga at mga bagay na dapat nakukuha ng mga OFW.

Aniya, hindi sapat na tawagin lamang na ‘bagong bayani’ ang mga OFW bagkus ay dapat matanggap ng mga ito ang tamang tulong at benepisyo mula sa pamahalaan at ang kapalit ng kanilang paghihirap sa pagtatrabaho sa ibang bansa.

Isa sa isinusulong ng AKO-OFW Party-list ang pagkakaroon ng libreng edukasyon hanggang kolehiyo para sa mga anak o kamag-anak ng mga OFW nang sa gayon ay hindi na mahirapan pa ang mga ito dahil sa dami at bigat ng responsibilidad sa kanilang pamilya.

Bukod pa rito ay isinusulong din ng AKO-OFW Party-list ang pagkilala sa bagong sektor na tatawaging Remote Filipino Workers (RFW) na kung saan ay hindi na kinakailangan mangibang bansa ang mga Pilipino para kumita ng dolyar, bagkus ay magtatrabaho na lamang sa Pilipinas para sa mga employers na nasa ibang bansa katulad ng mga engineers, architects, BPO at iba pang Virtual jobs.

Ang AKO-OFW Party-list na numero 116 sa balota ay ang kaisa-isang party-list na binuo ng mga tunay na overseas Filipino workers at volunteer advocates sa bansang Kuwait.

27

Related posts

Leave a Comment