AKO-OFW PARTY-LIST BIYAHENG KONGRESO CARAVAN, NILARGA

MALUGOD na sinalubong ng mga taga-Zambales ang ‘Biyaheng Kongreso Caravan’ ng AKO—OFW Partylist.

Idinaos ang AKO—OFW forum sa Barangay Panan covered court na dinaluhan ng mga residente mula sa iba’t ibang barangay.

Matapos ang makabuluhang talumpati ni 1st nominee at Chairman ng AKO—OFW Party-list Dr. Chie Umandap, sinimulan na rin ang community forum na layong makapagsalita nang malaya at makapagtanong ang bawat mamamayan ng Botolan, Zambales.

Ayon sa mga dumalo sa forum, marami nang party-list ang nagtungo at kumandidato sa kanilang lugar ngunit ang AKO—OFW lamang ang nakapag-abot at nakapagbigay ng tunay na programa at adbokasiya na matagal nang hinahangad ng overseas Filipino workers (OFWs) tulad na lamang ng “OFW pension plan at pabahay.”

Kasunod nito, nangako ang mga dumalo na buong tiwala nilang susuportahan ang AKO—OFW party-list sa pamamagitan ng pagpapakalat ng tamang impormasyon sa bawat mamamayan na tingnan lamang ang likod at laylayan ng balota kung saan makikita ang numero 116 AKO—OFW Partylist.

Samantala, buong puso naman ang pasasalamat ni Umandap sa walang sawang suporta sa AKO-OFW saan mang panig ng bansa.

47

Related posts

Leave a Comment