(PRIMITIVO MAKILING)
HINDI lamang gobyerno ang ninanakawan ng mga politiko na kumukuha ng tatlumpung porsyentong kickback sa mga infrastructure project kundi ang mamamayan lalo na ang mahihirap na kailangan ng serbisyo.
Ito ang alegasyon ni dating congresswoman Sarah Elago kasunod ng pagbasak ng Sta. Maria-Cabagan bridge sa Isabela nito lamang Pebrero 27 gayung kabubukas lamang nito noong Pebrero 1, matapos ang 10 taong konstruksyon.
“This systemic “concrete corruption” in infrastructure projects is not just stealing from government coffers—it is directly stealing from the Filipino people, especially the poor who need these public services the most,” ayon sa dating mambabatas.
Ayon kay Elago, malala na ang katiwalian sa government infrastructure projects, kung saan sinabi nito na “30% Standard Operating Procedure (SOP) or automatic kickbacks to politicians”.
Dahil dito, nalalagay aniya sa panganib ang buhay ng mamamayan na gumagamit ng mga imprastraktura na kinunan ng SOP ng mga tiwaling politiko.
“Kapag may 30% na kinakain ang kickback, 70% na lang ang natitira para sa aktwal na proyekto. Kaya naman imbes na de-kalidad na materyales, pinipili ang mas mura para may malaking portion pa rin ang mapupunta sa bulsa ng contractor. Sa huli, ang taumbayan ang nagdurusa,” ani Elago.
“We need to dismantle this entrenched system of kickbacks and corruption. The Filipino people, especially the poor, cannot afford to keep paying the price of corruption with their safety, their access to services, and sometimes even with their lives,” ani Elago.
Inihalintulad din niya ang korupsyon sa imprastraktura na hindi lang pagnanakaw ng pondo kundi ng kinabukasan ng bayan na kailangan nang tuldukan.
