AKO—OFW PARTY-LIST, PASOK SA PULSE ASIA PARTY-LIST SURVEY

PASOK ang AKO—OFW party-list sa mga mananalong party-list group kung ang eleksyon ay gaganapin ngayon batay sa isinagawang survey ng Pulse Asia para sa 2025 midterm election.

Dahil dito, lubos na pasasalamat ang gustong ipaabot ng AKO—OFW sa lahat ng ating mga kababayan na nagtitiwala sa naturang partido.

Ayon kay 1st nominee and AKO—OFW chairman Dr. Chie Umandap, ang survey ay tinatangap lamang nila bilang inspirasyon kapalit ng kanilang pagod sa pag-iikot sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas.

Hinihikayat din nito ang kanilang mga supporters na huwag magkakampante sa kanilang kampanya bagkus ay doblehin pa nila ang kanilang pagkilos upang higit na maabot ang bawat botante sa buong bansa.

Bilang isang dating OFW, natutuwa umano siya dahil ramdam nito ang suporta ng mga taong umaasa sa AKO—OFW partylist.

Sa ngayon, patuloy lamang ang pagtulong ng AKO—OFW sa mga pamilya at kamag-anak ng overseas filipino workers at sa kung ano pa ang kanilang pangangailangan.

Umaabot sa 163 seats ang pag-aagawan ng 155 partylist groups sa darating na halalan.

Ang naturang survey ng Pulse Asia ay isinagawa mula January 18, 2025 hanggang January 25, 2025 at tinawag na Pulso ng bayan Pre— electoral national survey.

Kung saan nagsagawa ng face face interviews sa nasa 2,400 na mga adult representative na edad 18 years old pataas mula sa Metro Manila, Luzon, Visayas at Mindanao.

54

Related posts

Leave a Comment