ALEGASYON VS. PAGCOR AT OPERASYON VS. ILLEGAL E-SABONG

TARGET COLUMN NI KA REX CAYANONG

KUMAKALAT ang alegasyon sa social media na kinopya lamang ang bagong logo ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Aba’y talagang hindi nagustuhan ng PAGCOR ito.

Pumalag ang ahensya at itinuwid ang maling akusasyon ng pangongopya na ginaya lang daw ang logo ng website ng Tripper.

Ayon sa PAGCOR, mali at malisyoso ang alegasyon.

Kung titingnang maigi ang mga pangyayari, halatang may masamang intensyon daw ito.

Sinabi ng ahensya na pinapanatili nila ang mataas na uri ng integridad, transparency at accountability.

Nananatili rin anilang dedikado ito sa pangangalaga sa ligtas at lumalagong gaming industry sa ating mahal na bansa.

Nagpapatuloy naman daw ang imbestigasyon dito.

Kaya huwag magpapaniwala sa lahat ng mga nalalabasan o nakikita sa social media.

Samantala, naglalabasan pala ngayon sa internet o social media ang mga pekeng e-sabong websites.

Sila ‘yung mga illegal at hindi dapat tinatangkilik.

Kabilang sa mga namamayagpag daw na e-sabong sites na hindi dapat pinapasok ng mga sabungero ay ang GTL, DCS, BPC, SWW, SABONG DIAMOND, GLOBAL TAMBAYAN at iba pa.

Pati raw pala PAGCOR ay ginagamit ng mga grupong ito sa kanilang operasyon.

Sa bawat site, nakalagay ang fight numbers at iba pa.

Ang problema nga lang, walang katiyakan kung makukuha ng mga mananaya ang premyo, kung sakali.

Kasi nga, sa mga farm lang ginagawa ang operasyon nila.

Kaya kawawa ang mga talpakero dahil hindi nila tiyak kung maki-claim nila ang premyo o napapanalunan nila.

Habang isinusulat ito, ikinakasa na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na pinamumunuan ni Sec. Benhur Abalos, katuwang ang Philippine National Police (PNP), ang operasyon laban sa mga illegal e-sabong websites.

Abangan!

162

Related posts

Leave a Comment