WALANG kinalaman sa halalan sa Mayo at nagpapatuloy na political campaigns ang hakbang ng Metro Manila mayors na ibaba na sa Alert Level 1 ang National Capital Region (NCR).
Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) officer-in-charge at general manager Romando Artes, ibinase ng mga alkalde ang kanilang rekomendasyon sa COVID-19 data sa rehiyon.
“Ang basehan lang po ng Metro Manila mayors dito ay ‘yung datos po na nakukuha namin sa Department of Health-NCR na nagpapakita naman na bumababa ang kaso natin…Wala pong kinalaman ang eleksyon dito,” dagdag na pahayag nito.
Nagkasundo ang NCR mayors na irekomenda na ibaba na sa Alert Level 1 mula sa Alert Level 2 ang alert level status sa NCR simula Marso 1, 2022.
Nauna rito, may ilang kampo ng mga kandidato ang nananawagan sa Commission on Elections na i-adjust ang restriksyon sa in-person campaigning. (CHRISTIAN DALE)
—–
187 